Dismayado si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., sa pag-apruba ng Commission on Elections (Comelec) sa reassignment ng pitong opisyal ng PhilHealth.
Ayon kay Ledesma, nakalulungkot na nawalan na ng tiwala ang PhilHealth board sa kanilang aniya’y masisipag na opisyal.
Sa kabila nito, tiniyak ni Ledesma na kanilang ipatutupad ang reassignment na inihirit ni Health Secretary at PhilHealth Chairman Teodoro Herbosa.
Tuloy rin aniya ang kanilang pagseserbisyo sa publiko.
Kabilang sa PhilHealth officials na maaapektuhan ng reassignment sina Chief Operating Officer Eli Dino Santos, Assistant Senior Vice President Nerissa Santiago, SVP Jovita Aragona, SVP Renato Limsiaco, SVP Jose Mari Tolentino, SVP Dennis Mas at SVP Israel Francis Pargas.