Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at mga opisyal ng Philippine Space Agency o PhilSA sa Malakanyang kahapon.
Batay sa ulat ng Palasyo, kasama sa pagpupulong ng pangulo sina Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr., Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge (OIC) Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., PhilSA Director General Joel Joseph Marciano Jr., at iba.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11363 o ang ‘Philippine Space Act’, ang PhilSA ay responsable sa pagresolba sa lahat ng isyu may kinalaman sa Space Science and Technology (S&T) application.
Ito ay attached agency ng Office of the President (OP) na ang pangunahing mandato ay patungkol sa policy, planning, coordinating, implementing and administrative entity ng Executive Branch para ma-develop at ma-promote ang national space program na may kaugnayan sa Philippine Space Policy.