Nagpulong ang mga kinatawan ng Pilipinas at State of Qatar bilang bahagi ng side event ng International Migration Review Forum (IMRF) 2022.
Ginanap ang pulong sa United Nations (UN) Headquarters sa New York, USA kung saan ang tema ay ‘Working together to ensure fair recruitment and decent work in the Philippines-Qatar migration corridor’.
Ipinakita rin sa pagpupulong ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Qatar sa iba’t-ibang aspeto ng kooperasyon, partikular sa labor at migration.
Simula ngayong 2022, gaganapin ang nasabing pagpupulong tuwing apat na taon at pangungunahan ng pangulo ng UN General Assembly.
Facebook Comments