Mga opisyal ng PNP na sumalang sa surprise drug test, nagnegatibo

Negatibo ang resulta nang lahat ng drug test na isinagawa sa lahat ng top officials ng Philippine National Police (PNP).

Nabatid na pinangunahan mismo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang pagsasagawa ng surprise drug testing noong Biyernes.

Ang unannounced on-the-spot drug testing ay bahagi ng command conference na dinaluhan ng 89 na matataas na opisyal ng PNP Command Group, Directorial Staff, Regional Directors, at National Support Unit Directors.


Ani Acorda, hindi lamang tinutukoy ng drug testing ang fitness ng PNP commanders kundi maging ang commitment ng pwersa ng pulisya sa integrity enhancement at cleansing sa mga ranggo nito, partikular na yung mga nasa command positions.

Facebook Comments