Tumawag ng pulong si Pangulong Bongbong Marcos sa mga opisyal ng Presidential Legislative Liaison Office sa Malacañang.
Sa Facebook page ng Chief Executive, makikita sa larawang naka-post dito ang mga kasama sa meeting gaya nina Presidential Legislative Liaison Office Chief Mark Llandro Mendoza at iba pang kasamahan nito sa tanggapan habang sa hanay naman ng ilang miyembro ng gabinete ay present sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.
Sa pulong ay binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa Presidential Legislative Liaison Office para sa nagkakaisang galaw ng gobyerno.
Ipinunto rin ng presidente ang kahalagahan ng pagpapatupad ng bawat batas para maabot ang layunin ng kanyang administrasyon na may kinalaman sa pagsulong at pangangalaga.
Ang Presidential Legislative Liaison Office ang nakikipag-ugnayan sa pangulo para maipaunawa ang mga probisyon ng isang panukalang batas upang matukoy kung ano ang mga hindi tutugma sa polisiya ng administrasyon at maging subject to veto.
Sinabi naman ni Department of Information Communication and Technology (DICT) Secretary John Ivan Uy na kailangan pang madagdagan ang mga ahensiya ng gobyerno na dapat maging digitalized na.