Mga opisyal ng pulisya at militar, pinulong ni Mayor Isko kaugnay sa planong lockdown sa Sampaloc, Manila

Sa pinaka-huling tala ay nasa 458 na ang positibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Pinakamaraming kaso ay sa Sampaloc, Manila na umaabot sa 99 kung saan 159 ang probable case.

Ang mataas na kaso ng dinadapuan ng virus ang dahilan kung bakit planong isailalim sa lockdown ang buong Sampaloc.


Kaugnay nito ay pinulong na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga opisyal ng Manila Police District sa pangunguna ng hepe nito na si Police Brigadier General Rolly Miranda at Armed Forces of the Philippines Joint Task Force NCR Commander Brigadier General Alex Luna.

Kasama din sa pulong sina MPD Special Mayors Reaction Team Chief Police Major Rosalino Ibay Jr. at MPD Station 4 Commander Lieutenant Colonel John Guiagui.

Diin ni Mayor Isko, mahalaga na mapagplanuhang mabuti ang nakatakdang pagsailalim sa Sampaloc sa total lockdown bilang pagkontrol sa pagkalat ng virus.

Facebook Comments