MGA OPISYAL NG RJJWC REGION 1, NAG INSPEKSYON SA MGA KULUNGAN SA PANGASINAN

Nagsagawa ng dalawang araw na spot monitoring ang Regional Juvenile Justice and Welfare Committee (RJJWC) Region 1 noong Setyembre 11–12 sa iba’t ibang pasilidad sa lalawigan ng Pangasinan, kabilang ang mga provincial jail, detention center, at youth care facility.
Layunin ng aktibidad na tiyakin ang tamang pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) sa mga lokal na pamahalaan at kanilang mga pasilidad.
Ayon sa RJJWC, pinuri ng komite ang lalawigan ng Pangasinan sa mga hakbang at programang ipinatutupad para sa mga batang sangkot sa batas o children in conflict with the law (CICL).
Gayunpaman, inirekomenda rin ang pagtatayo ng karagdagang child care institutions at mas pinalakas na koordinasyon sa mga LGU at barangay.
Kaugnay nito, inilahad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang plano at pagsusuri para sa pagtatayo ng Bahay Pag-Asa sa Brgy. San Vicente, Burgos — isang pasilidad na magsisilbing pansamantalang tirahan para sa mga CICL sa buong Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments