Pinagbibitiw ng dalawang kongresista sa puwesto ang iba pang opisyal na pumirma sa kontrobersyal na Sugar Order o SO no. 4 para sa importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal na hindi awtorisado ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Iginiit ito nina ACT Teachers Party-List Rep. France Castro at Negros Occidental Rep. Juliet Ferrer sa joint briefing ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Agriculture and Food.
Diin ni Castro, sa ngalan ng delikadeza ay hindi lang si Department of Agriculture Usec. Leocadio Sebastian ang dapat magbitiw kundi lahat ng lumagda sa Sugar Order no. 4.
Facebook Comments