Sinermunan ni Senator Cynthia Villar ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration o SRA sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Agriculture AND Food.
Nadismaya si Villar dahil hindi nagamit ng SRA ang pondo sa mga programa sa ilalim ng sugarcane industry development act na para sa mga magsasaka ng tubo.
Ayon kay Villar, noong 2016 ay binigyan ang sra ng 2-bilyong piso para maipatupad ang mga programa para sa sugar industry pero hindi ito natupad.
Dahil dyan ay ibinaba ng Department of Budget and Management ang budget dito ng sra sa 1.5 billion pesos noong 2017, 1-billion noong 2018 at 500-million na lang ngayong taon.
Lumabas sa pagdinig na hindi makapag loan ang mga sugarcane farmers dahil sa dami ng dokumentong hinahanap sa kanila ng landbank tulad ng financial model, financial study at tin number.
Kaya sa bandang huli ay sa 5-6 na lang nangungutang ang mga magsasaka ng asukal.