Mga opisyal sa Baclaran at Pasay, muling nagsagawa ng clearing operation

Muling binalikan ng mga opisyal ng Baclaran at Pasay ang nasabing lungsod para muling isagawa ang clearing operation.

Matatandaang sinuyod at nilinis ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at ng mayor ng Pasay at Baclaran ang mga lugar kung saan maraming mga vendors ang pumu-pwesto para magtinda, partikular sa mga kalsada sa lungsod.

Kaugnay din ito sa ipinasang 60 days na taning ng Department of the Interior and Local Government o DILG para linisin at alisin sa kanilang lungsod ang mga kalat, basura, maging ang mga sagabal sa daan.


Dahil dito, kanya-kanyang hinaing ang mga vendors na ipinaalis sa lugar.

Ayon sa mga nagtitinda, mawawalan sila ng ikabubuhay kung hindi sila pagbibigyang makapag-tinda.

Ayon sa mga alkalde, hindi naman ‘umano’ sila pinagbabawalang magtinda basta nasa tama at maayos silang nagtitinda.

Sa ngayon, inaayos na nila ang lugar na maaaring paglagyan o paglilipatan ng mga vendors kung saan aabot sa 5,000 mga vendors ang naapektuhan ng nasabing clearing operation.

Facebook Comments