Mga opposition senator, binanatan ng Malakanyang hinggil sa pagbili ng overpriced PPEs

Binuweltahan ng Malakanyang ang mga opposition senator dahil sa patuloy na pag-iingay kaugnay ng umano’y pagbili ng overpriced na personal protective equipments (PPEs) ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi isang reelectionist si Pangulong Duterte sa May 2022 national elections.

Pero kapansin-pansin aniya na mas lalong abala ang mga kritiko ng administrasyon na gumawa ng isyu laban sa pamahalaan.


“Matatapos lang po iyan sa eleksiyon. Desperado po ang oposisyon ‘no. Gumagawa ng isyu laban sa administrasyon, maski hindi naman po magre-reelection ang ating Presidente. Pero siguro ginagawa nila ito para hindi ma-otso-diretso ang kanilang mga senador ngayong taon na ito.” ani Roque

Paalala pa ni Roque sa publiko, huwag magpadala sa mga politikong maagang namumulitika.

Facebook Comments