Isinusulong sa San Fernando City, La Union ang mas malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng proyektong Smoke-Free La union dahilan ng pakikipag-ugnayan ng Partnerships for Health, Agriculture, Nation-Building, and Socio-economic Upliftment, Inc. (PNBI) sa lokal na pamahalaan upang talakayin ang mga hakbang sa pagpapatupad ng programa.
Ipinakita sa pagpupulong ang progreso ng Smoke-Free La Union Project, kabilang ang edukasyon sa publiko tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo at vape, at ang kahalagahan ng ligtas na kapaligiran, lalo na para sa kabataan.
Ipinakilala rin ang Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) template bilang gabay sa paggawa ng ordinansa, at nag-alok ng teknikal na suporta para sa implementasyon nito.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya at ng komunidad upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng ordinansa at hikayatin ang mamamayan na aktibong makibahagi sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










