Manila, Philippines – Malaki ang paniniwala ng investment analyst na makikinabang ang mga karaniwang manggagawa sa mga kasunduan at polisiya na ilalatag sa ASEAN Summit.
Ayon kay Investment Analyst Astro Del Castillo, na kapag nalagdaan ang karagdagang mga Free Trade Agreement sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at mga dialogue partner nito, mangangahulugan ito ng mas mahusay na accss sa merkado para sa mga Pilipinong exporter.
Paliwanag ni Del Castillo n maging sa aspeto ng pamumuhunan, inaasahang mapaghuhusay din ng ASEAN Summit ang posibilidad ng karagdagang mga investment sa bansa.
Kapag napaghusay ang market access para sa Export Industry at nagkaroon ng karagdagang mga negosyo sa bansa mangangahulugan ito ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.
Dagdag pa ni Castillo na direkta rin na magbebenepisyo ang mga Migrant Workers dahil sa lalagdaang ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers kung saan isinusulong ang pagbibigay na pantay na proteksyon sa mga dayuhang manggagawa sa mga Local Citizens kung saan sila nagtatrabaho.
Ang nasabing Consensus ang itinuturing na sentro ng Chairmanship ng Pilipinas ng ASEAN.