Mga ordinaryong Pilipino, magbebenepisyo sa partisipasyon ni PBBM sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia

Magbebenepisyo ang mga ordinaryong Pilipino sa partisipasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Indonesia.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na kasama ni Pangulong Marcos sa Indonesia.

Aniya, pinag-uusapan sa ASEAN Summit ang common interest ng mga bansang kasapi ng ASEAN kagaya ng kalakalan at investment na magbebenepisyo ang ordinaryong Pilipino.


May trade relations din aniya ang Pilipinas sa Vietnam at Laos kagaya ng pag-iimport ng food commodities na kailangan ng mga ordinaryong Pilipino.

Napag-uusapan din aniya ang patungkol sa peace process at ibinida ni Pangulo Marcos sa summit ang progreso ng Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao o BARRM.

Kaya para sa house speaker, mahalaga ang summit na ito dahil magpapatibay ito ng relasyon ng mga bansang kasapi sa ASEAN para sa pagkakaroon ng kapayapaan, stability at seguridad sa rehiyon.

Matatandang kahapon, una nang hiniling ng pangulo sa ASEAN Business Advisory Council na suportahan rin ang nano business o maliliit na negosyo.

Facebook Comments