Mga organisasyon ng mga magsasaka sa Tarlac, tumanggap ng ₱4.3-M makinarya at kagamitang pangsaka mula sa DAR

Ikinatuwa ng pitong Agrarian Reform Beneficiary Organizations o ARBOs sa Tarlac ang nakatanggap ng P4.3 milyong halaga ng organic fertilizers, Farm Machineries and Equipment o FMEs mula sa Department of Agrarian Reform o DAR upang mapabuti ang produktibidad at kalidad ng buhay ng 462 miyembrong agrarian reform beneficiary (ARB).

Nagpahayag ng pasasalamat sa DAR si Rosemilmar P. Eugenio, Chairperson ng Sta. Ines Golden Grains PMPC mula sa Sta. Ignacia, sa suportang natanggap ng kanilang kooperatiba dahil sa malaking tulong para sa kanilang kooperatiba, kung saan ay makatitiyak umano ang DAR na ang kagamitan na kanilang natanggap ay kanilang pananatilihin at aalagaan upang mapahusay ang produktibidad ng agrikultura sa mga lupang iginawad sa kanila.

Hinikayat naman niya ang mga ARBO na lumikha ng kanilang mga patakaran sa pagpapatakbo upang mapakinabangan ang paggamit ng mga kagamitan upang makatulong para mapataas ang kita ng kanilang mga miyembro at kanilang asosasyon.


Facebook Comments