Mga original Encantadia Sanggre, muling magsasama–sama sa isang pelikula

Manila, Philippines – Makalipas ang ilang taon, muling nagsama – sama ang mga sanggre ng original kapuso hit fantasy series na Encantadia.

Muling magtatambal sa isang proyekto sila Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon, na pinamagatang “mystified”, isang action- fantasy film, kung saan nagtataglay ng kapangyarihan ang karakter ng mga ito.

Agad na bumuhos ang suporta ng mga fans sa social media matapos ilabas ng iflix ang trailer ng pelikulang ito.


Sasailalim sa direksyon ni mark reyes ang pelikulang ito, na siya ring naging direktor noon ng Encantadia.

Ang mystified ay ipapalabas sa buwan ng Marso, ngayong taon.

Facebook Comments