Mga ospital at barangay, pinagkukusa para irehistro ang mga senior citizens sa PhilHealth

Pinakikilos ni House Special Committee on Senior Citizen Chairman Rodolfo Ordanes ang mga ospital at barangay na kusang i-rehistro ang mga senior citizen sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth database.

Paliwanag ng kongresista, hindi kasi lahat ng senior citizens ay may kakayahang mag-register sa online at banta rin sa kanilang kalusugan kung sila ay papipilahin pa sa PhilHealth offices.

Nababahala ang Senior Citizen Party-list Congressman na isa sa lubhang maaapektuhan ng bantang pagkalas ng ilang ospital sa PhilHealth ay ang mga matatanda.


Mungkahi pa ng mambabatas sa Philhealth, i-deputize o atasan ang mga barangay na magsagawa ng registration.

Dagdag pa nito, ang Senior Citizen at Person with Disabilities (PWD) affairs ng mga barangay ay may listahan na ng mga nakatatanda at maaaring mag-bahay-bahay na lamang ang mga ito upang irehistro ang mga senior citizen na hindi pa bahagi ng state health insurer.

Facebook Comments