Nakahanda na ang mga ospital at treatment facilities sa bansa sa harap ng inaasahang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.
Ang Philippine General Hospital (PGH) ay nagdagdag na ng 100 kama para sa COVID-19 patients mula sa dating 30 hanggang 40 na na-a-admit kada araw.
Sinabi naman ni Lung Center of the Philippines Administrative Services Manager Antonio Ramos, nasa 28 na lang ang pasyente nila ngayon mula sa 70 COVID-19 beds.
Giit naman ni San Lazaro Hospital Spokesperson Ferdinand De Guzman, aabot sa 111 kama ang kapasidad ng ospital para sa COVID-19 patients.
Tiniyak din ng ospital na tuloy-tuloy ang kanilang konsultasyon at screening para sa mga hinihinalang may COVID-19 at ina-assess kung ia-admit sila o sa bahay lang magpapagaling.
Una nang sinabi ni Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega na tinutugunan na ngayon ang expansion ng health capacity lalo na sa Metro Manila.
Pinadaragdagan na rin nila ang bed capacity para sa COVID-19 patients sa mga pampublikong at pribadong ospital.
Para sa private hospitals, dapat may 20% bed allocation sa infected patients; habang 30% ang mandato sa public hospitals.