Nagpapatupad na ng mga hakbang ang Pamahalaan para matulungan ang mga ospital na magamit nang husto ang mga pasilidad nito sa gitna ng tumataas na bilang ng mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., inatasan na si Health Undersecretary Leopoldo Vega na siyang Chief Treatment Czar na pamunuan ang Hospital One Incident Command para bumuo ng maayos na referral system sa mga pasyente sa pampubliko at pribadong ospital.
Sa ilalim ng referral system, ipaprayoridad ang severe at critical patients sa biosafety level 3 hospitals habang ang mga mild at asymptomatic patients ay ire-refer sa isolation facilities.
Ang RT-PCR test kits ay ilalaan sa symptomatic patients bunga ng limitadong suplay.