Mga ospital na kasama sa isasagawang clinical trial ng Avigan vaccine, napili na ng DOH

177

Inanunsyo na ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na kasama sa isasagawang clinical trial ng anti-flu drug vaccine na Avigan galing Japan na sinasabing nakakatulong sa mga tinatamaan ng COVID-19.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isasagawa ang clinical trial sa Philippine General Hospital (PGH), Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

Aniya, siyam na buwan ang itatagal ng clinical trial ng Avigan na ibibigay sa 100 pasyente.

Hindi naman pwedeng sumailalim dito ang mga may problema sa puso at ang mga buntis.

Facebook Comments