Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) na dagdagan ang mga ospital na kasama sa pagbabakuna sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, may ilang mga ospital ang nagpahayag na makikiisa sa pediatric vaccination ng pamahalaan para mas mabilis na matugunan ang pagbabakuna lalo na sa mga kabataang may comorbidity.
Aniya, mula sa naunang walong ospital na nakapagsagawa na ng pediatric vaccination ay maaari itong madagdagan pa hanggang 29.
Maliban dito, sinabi ni Cabotaje na natukoy na rin ng DOH ang mga rehiyon na magpapatupad ng pagbabakuna sa mga menor de edad.
Facebook Comments