Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko hinggil sa pagpunta sa mga hospital na may naka-admit na kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ayon Health Secretary Francisco Duque III, isasapubliko na nila simula ngayon ang mga hospital na kung saan may mga naka-admit ng COVID-19 patients.
Aniya, may mga ipinapatupad naman na infection prevention and controlled practices ang mga hospital sa ganitong sitwasyon.
Siniguro rin ni Duque ang maayos na pangangalaga sa mga pasyenteng nagpostibo sa COVID-19, maging ang paglagay sa quarantine ng mga health workers na nangalaga sa mga ito.
Sa ngayon ay nakataas na ang “Code Red” sa Pilipinas matapos ang maiulat na kauna-unahang kaso ng local transmission.
Facebook Comments