Mga ospital na tumanggi sa mga hinihinalang COVID-19 patients, iniimbestigahan na at tiyak papanagutin

Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Health (DOH) at ng DOH health facilities oversight board, pati ng PhilHealth ang mga ospital na ayaw umanong tumanggap ng mga pasyente na positibo at hinihinalang positibo sa COVID-19.

Ayon kay Committee on Health Chairman Senator Bong Go, ang imbestigasyon ay alinsunod sa deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Go, tugon ito sa mga balitang ng pagtanggi ng ilang ospital sa mga hinihinalang may COVID-19 tulad ng nasawing pasyente sa cabanatuan city sa nueva ecija na tanggihan ng anim na ospital.


Gayundin ang isang pasyente sa Caloocan na hindi man lang binigyan ng emergency treatment sa siyam na ospital.

Diin ni Go, sa ilalim ng “Anti-Hospital Deposit Law,” ang mga opisyal at ospital na tatanggi sa pasyente ay mahaharap sa apat hanggang anim na taong pagkakulong at multa na mula ₱500,000 hanggang ₱1,000,000.

Facebook Comments