Mga ospital, nakahanda na para sa pagsalubong sa 2022

68

Tiniyak ng Department of Health na nakahanda na ang lahat ng mga ospital partikular ang emergency rooms para sa pagsalubong sa 2022.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananawagan siyang salubungin na lamang ang new year nang ligtas lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19.

Sa ngayon, mas mababa ang bilang ng mga naiitalang nasugatan dahil sa mga paputok batay sa nakalipas na limang taon.


Samantala, naka-red alert na rin ngayon ang mga pribadong ospital para sa posibleng firecracker-related injuries.

Facebook Comments