Magpapatayo ang pamahalaan mga ospital para sa mga beterano sa Visayas at Mindanao.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa seremonya kaugnay sa paggunita ng National Heroes’ Day ngayong araw.
Aniya, ilalaan ang mga ospital na ito para sa mga beterano lamang na itatayo sa pangangasiwa ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).
Sa kasalukuyan aniya ay ang Veterans Memorial Medical Center o VMMC ang ospital para sa mga beterano.
Ito ay makikita ay sa Diliman, Quezon City.
Kaugnay nito, ginugunita rin ng pangulo ang pawis, dugo, at buhay na inialay ng mga beterano para sa kapakanan, Kalayaan at kinabukasan.
Dahil aniya sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliraning pinapasan ng mga Pilipino sa lipunan.
Facebook Comments