Mga ospital, pinaiimbestigahan ng PhilHealth sa NBI

Tatlong ospital na ngayon ang pinapaiimbestigahan ng PhilHealth sa National Bureau of Investigation.

Ayon kay Atty. Jojo del Rosario, SVP for legal ng PhilHealth, tinanggalan na ng accreditation ang tatlong ospital na nasa Region 12.

Bilyon-bilyon umanong halaga ng fraudulent claims ang kanilang iniimbestigahan laban sa tatlong level 2 na ospital.


Sa kasalukuyan, aabot sa 23,000 na health facilities, hospitals, dialysis centers at iba pa ang iniimbestigahan ng PhilHealth.

Sa nabanggit na bilang, 4,000 ang nakitaan na ng prima facie evidence para kasuhan sila.

Gayunman,  sa kabila nito, maaari pa rin umanong iaapela ng mga health institutions ang resulta ng imbestigasyon laban sa kanila.

Samantala, pinagbabayad na rin ng PhilHealth ng multa ang Wellmed Dialysis Center.

Kabilang dito ang 3.3 million pesos, 1.9 million pesos at pagsingil sa lahat ng fraudulent claims sa PhilHealth.

Facebook Comments