Mga ospital, pinayagan nang makabili ng COVID investigational drugs

Papayagan na ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na bumili ng COVID-19 investigational drugs na aprubado na ng Emergency Use Authorization (EUA) sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang na rito ang Remdesivir, Tocilizumab, at Baricitinib.

Aniya, maglalabas sila ng polisiya hinggil sa paggamit ng nasabing mga gamot.


Ipinaalala naman ni Vergeire na kakailanganin pa rin ng mga ospital na mag-apply ng Compassionate Special Permit (CSP) ng investigational drugs na walang EUA.

Facebook Comments