Mga ospital sa bansa, hindi naniniwalang malapit nang makontrol ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila

Hindi kumbinsido ang mga ospital sa bansa na malapit nang makontrol ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ito ay matapos bumaba na lamang sa 0.99 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng virus.

Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose de Grano, hindi pa masyadong nararamdaman ng ospital ang pagbaba ng mga kaso.


Habang paliwanag ni Department of Health (DOH) Secretary Franciso Duque III, masyado pang maaga para isipin na ibaba ang alert level sa Metro Manila.

Maliban sa Metro Manila, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na ilan pang malalaking siyudad sa bansa ang mayroong 1 o mababa na lamang sa 1 ang reproduction number.

Kung magtutuloy-tuloy ang ganitong trend, posible aniyang mas magandang matapos ang taong ito kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa huling datos ng DOH, pumalo na sa 2,434,753 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 165,790 ang aktibong kaso.

Facebook Comments