Mga ospital sa Biñan, Laguna, napupuno na dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Malapit nang mapuno ang mga ospital at crematoriums sa Biñan sa Laguna dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Biñan Mayor Mayor Walfredo Dimaguila Jr., punuan na ang lahat ng pampublikong ospital sa kanilang lugar maging ang mga pribadong ospital.

Sa katunayan aniya ay ginagamit na rin ang mga parking lot para matanggap ang mga dinadalang pasytente na mayroong COVID-19.


Hind naman maiwasan na mayroong mga pasyenteng namamatay sa parking lot dahil nagiging malala na ang kundisyon ng mga ito bago pa man dalhin sa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital.

Maliban sa mga ospital, mahaba na rin ang pila sa mga crematorium sa lugar kaya bumili na ng mga freezer ang pamahalaan para pansamantalang ilagak ang mga nakapila para sa cremation.

Facebook Comments