Mga ospital sa Cebu City, malapit nang umabot sa critical point ayon sa DOH

Malapit nang maabot ng mga ospital sa Cebu City ang kapasidad nito sa vital care resources at pagtanggap ng mga pasyente.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga health facilities sa lungsod ay nasa Level 1 Category kung saan wala silang kapasidad na mag-alok ng Intesive Care Unit (ICU).

Kakaunti lamang aniya ang tertiary hospitals sa lungsod.


Sinabi ni Vergeire na nagsasagawa na ang ahensya ng augmentation para madagdagan ang bilang ng health workers na maaaring mag-asikaso sa mga pasyente.

Batay sa datos ng DOH, ang critical care at isolation bed utilization ay nasa 62.45%, habang ang case doubling time ng COVID-19 cases ay nasa 7.62 days.

Sa tala naman ng Cebu City Health Department, aabot na sa 5,740 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, 2,985 ang gumaling, at 193 ang namatay.

Facebook Comments