MGA OSPITAL SA ILOCOS SUR, PINALALAKAS ANG PAGTUGON SA MENTAL HEALTH

Pinalalakas ang kakayahan ng mga medical facilities sa Ilocos Sur sa pagbibigay ng psychosocial support sa usaping mental health.

Kamakailan nakilahok ang apat na malalaking pagamutan sa pagsasanay para sa Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) na inorganisa ng Ilocos Center for Health Development.

Ayon sa Department of Health, lahat ng 162 Rural Health Units (RHUs) at primary care facilities sa Ilocos Region, kabilang na ang Ilocos Sur, ay may operasyonal na mental health services.

Dagdag pa rito, mula Enero hanggang Oktubre noong nakaraang taon, naitala sa rehiyon ang 65 kaso ng suicide, kung saan 14 ay galing sa La Union, 10 sa Ilocos Sur, at iba pa.

Inaasahang makakapagdulot ito ng mas malawak na suporta sa mental health sa mga komunidad ng Ilocos Sur, hindi lang sa mga ospital kundi pati sa RHUs at mga barangay para mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments