Mga ospital sa NCR, nakataas na sa high alert level

Nakataas na ang high alert level sa mga ospital sa Metro Manila dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, kung ang dating 90 hanggang100 na natatangap nilang tawag kada araw, ngayon ay umaabot na sa 200 tawag ang kanilang natatanggap.

Ang ilang ospital naman tulad ng East Avenue Medical Center at Philippine General Hospital (PGH) ay nasa moderate risk capacity na.


Sa ngayon, pinaplano na ng One Hospital Command ngayong Agosto ang pagdaragdag ng mas maraming kama sa East Avenue Medical Center.

Habang bukod din dito ay matatapos na rin ang modular hospital sa Lung Center of the Philippines.

Facebook Comments