Ibinabala ng OCTA Research group ang posibleng pag-abot na sa critical level sa susunod na linggo ng mga ospital sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, nakakabahala na mahigit 12,000 na ang naitatalang bagong kaso sa NCR nitong nakalipas na mga araw.
Patuloy naman ang pagmo-monitor ng grupo sa mga naitatalang bagong kaso, para sa rekomendasyon kung ano ang mga magiging susunod na quarantine classification sa NCR.
Sa ngayon, batay sa datos mula sa Department of Health (DOH) ay umabot na sa 40 sa kabuuang 159 o isa sa kada apat na medical facilities sa Metro Manila ang nasa kritikal na kundisyon.
23 ospital naman ang nasa high risk” o nakapagtala ng 70% hanggang 85% occupancy.
Facebook Comments