Mga ospital sa NCR, posibleng umabot sa full capacity sa Abril kung hindi mapipigilan ang surge ng COVID-19 cases – OCTA

Mapupuno sa Abril ang kapasidad ng mga ospital sa Metro Manila kung walang gagawing hakbang ang pamahalaan para mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Sa report ng OCTA Research Group, ang kasalukuyang reproduction number ay nasa 1.9, ibig sabihin ang isang COVID-19 positive individual ay kayang hawaan ang dalawa pang tao.

Posibleng malula ang mga hospital facilities at medical frontliners sa dami ng kaso sa mga susunod na linggo.


Anila, ang nararanasang case surge ngayon sa National Capital Region (NCR) ay nasa “critical juncture.”

Kaya importanteng may ginagawang ‘drastic measures’ ang gobyerno para mapigilan ang pagtaas pa ng kaso.

Sa taya ng OCTA Research, ang hospitalization rate ay nasa 11% habang ang mortality rate ay nasa 18%.

Facebook Comments