Inilagay ng Department of Health (DOH) sa code blue alert ang status sa mga ospital sa Southern Tagalog kasunod ng pagputok ng bulkang taal.
Ayon kay DOH spokesperson, Usec. Eric Domingo, sa ilalim nito, ang kalahati ng lahat ng medical personnel na off duty ay ipapatawag sa trabaho.
Sa kabila ng malawakang ash fall sa mga lugar sa paligid ng bulkan, wala pa silang naitatalang injuries o fatalities.
Prayoridad ng DOH na maipadala ang mga health workers sa Evacuation Centers.
Nakapagbigay din ang ahensya ng 1.5 Million Pesos na halaga ng Face Masks, Respiratory Medicines, Eye Drops, Water Purifiers, at Collapsible Water Conatiners.
Facebook Comments