Mga Overflow Bridge sa Isabela, Isasara sa mga Motorista

Cauayan City,Isabela- Isasara mamayang alas-5:00 ng hapon ang lahat ng overflow bridge sa lalawigan ng Isabela bilang paghahanda na mailayo sa anumang sakuna ang mga motorist sa inaasahang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog bunsod ng nararanasang tuloy-tuloy na ulan dala ng Bagyong Maring.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PDRRM Isabela Chief Retired PBGen. Jimmy Rivera, inatasan na lahat ng mga himpilan ng pulisya na nakakasakop sa mga overflow bridge sa lugar ng San Agustin, City of Ilagan, Echague, Cabagan- Sta Maria, Cansan – Bagutari Sto Tomas, Alicaocao at Reina Mercedes.

Inalerto na rin na rin aniya ang mga coastal at river watch patrol sa mga mga bayan ng Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue habang iiral naman ang no sailing, fishing at swimming police gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban.


Manatiling tumutok aniya sa mga radyo at telebisyon para sa mga ulat panahon at mapaalalahanan ang mga mamamayan sa epekto ng bagyo.

Pinag-iingat naman ang mga mamamayan sa maga lugar malapit sa ilog na maging alerto sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig at kung kinakailangang lumikas ay gawin na ito ng mas maaga.

Sa kasalukuyan, wala pang umiiral na pre-emptive evacuation sa mga apektadong lugar subalit nakahanda na ang lahat ng pwersa na tutugon sakaling kailangan lumikas ng mga residente.

Facebook Comments