Nagpaalala si PNP OIC PLt. General Archie Gamboa sa mga pulis na overweight na magbawas na ng timbang.
Ginawa ito ni Gamboa sa kanyang unang press conference sa taong ito, kasabay ng pahayag na may mga “sanctions” para sa mga pulis na hindi maka-comply sa tamang Body mass index.
Aniya ang mga pulis na wa sa tamang timbang ay hindi papayagan na makapag-schooling, na requirement para sa promosyon.
Sinabi ni Gamboa na lahat ng pulis mula sa kanya, hanggang sa regional directors, sa pinaka mababang pulis ay kailangang nasa maayos na pangangatawan.
Hindi lamang aniya ito para sa imahe ng PNP kundi para narin sa magandang kalusugan ng mga pulis.
Aniya responsibilidad ng bawat pulis na pangalagaan ang kanilang sariling kalusugan para ma enjoy ang kanilang retirement.
Matatandaang noong panahong si Senator Panfilo Lacson ang PNP Chief, araw-araw niyang pinag-eehersisyo ang mga opisyal na may malaking tiyan, at nag bantang sisibakin sa tungkulin ang mga hindi makapagbawas ng timbang.