Mga paalis na dayuhan na wala pang hawak na ACR-I-CARD, papayagan pa ring makalabas ng bansa

Maari pa ring makalabas ng bansa ang mga dayuhan na may aprubadong immigrant at non-immigrant visas sa kabila ng kawalan ng Alien Certificate of Registration Identity card o ACR-I-Card.

Pinalawig pa kasi ng Bureau of Immigration (BI) hanggang sa December 31, 2021 ang polisiya nito na pansamantalang nagpapahintulot sa mga dayuhan na lumabas ng Pilipinas na may hawak na aprubadong visas pero hindi pa nabibigyan ng kanilang ACR I-Card.

Ayon sa BI, ang kailangan lamang gawin ng papaalis na dayuhan ay magpakita ng official receipts ng kaniyang ACR I-Card waiver application fee at re-entry permit o special return certificate.


Ginawa ang extension na ito sa gitna na rin ng umiiral na community quarantine sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya.

 

Facebook Comments