Mga paaralan at pribadong establisyemento, pinag-aaralang gawing vaccination site ng pamahalaan

Pinag-aaralan ng pamahalaan na gawing vaccination site ang mga paaralan at iba pang pribadong establisyemento para sa bakunahan ng mga bata.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., layunin nitong mabakunahan ang mas maraming bata at ganap na maibaba ang kaso ng COVID-19 tulad noong panahon na wala pang Omicron variant.

Dahil dito ay magbubukas pa ang pamahalaan ng mga pharmacy o botika at mga pribadong klinika upang mas mailapit pa ang bakuna sa publiko.


Target ng pamahalaan na makamit ito ngayong Pebrero upang maibalik na rin ang face-to-face classes sa bansa.

Facebook Comments