Iginiit ni Committee on Education Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 at sa mga Local Government Unit na makipagtulungan sa mga paaralan sa pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.
Paliwanag ni Gatchalian, ang pakikipagtulungan sa mga paaralan ay makatutulong sa pagtukoy, pag-o-organisa, at pag-monitor sa mga mag-aaral na maaari nang mabakunahan kontra COVID-19.
Para kay Gatchalian, napapanahon na ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 ang edad, lalo na’t patuloy ang ating pagsisikap na palawigin ang ating face-to-face classes.
Diin ni Gatchalian, mahalaga ito upang maprotektahan mula sa hawaan at pagkakasakit, hindi lamang ang ating mga mag-aaral kundi pati na rin ang kanilang mga guro at pamilya.