Mga paaralan, gagamiting quarantine facilities bilang huling option

Tiniyak ng National Task Force against COVID-19 na gagamitin lamang ang mga eskwelahan bilang quarantine facilities kung wala nang mahanap na lodging establishments tulad ng motels at hotels.

Ayon kay NTF Spokesperson Restituto Padilla, batid nila na may ilang lugar sa bansa kung saan ginagamit na quarantine area ang mga paaralan.

Pero iginiit ni Padilla na unang ipaprayoridad ang lodging establishments.


Importante ring nasusunod ang health at safety protocols sa pag-convert ng mga paaralan bilang isolation facilities.

Dagdag pa ni Padilla, ang mga paaralan ay gagamitin lamang na quarantine facilities sa mga taong kailangang sumailalim sa 14-day quarantine, at hindi ng mga pasyenteng may sakit.

Ang national government at pribadong sektor ay magkatuwang sa pagtatayo ng temporary quarantine facilities tulad ng mga tent sa mga lugar na nangangailangan nito.

Facebook Comments