Mga paaralan, handa na sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Aug. 22

Handa na ang mga paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa August 22.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa, kumpiyansa ang mga regional director ng ahensya na sapat ang kanilang mga pasilidad para sa mga estudyante.

Pagdating sa learning materials, gagamit ng textbooks para sa in-person classes habang modules sa mga magbe-blended learning.


Ayon kay Poa, 46% o 24,765 na mga private at public school sa buong bansa ang magpapatupad ng full face-to-face classes sa August 22 habang 51.8% o 29,721 ng mga paaralan ang magpapatupad ng blended learning.

Nasa 1,004 na mga paaralan naman sa buong bansa ang magpapatupad ng full-distance learning.

Sa organizational meeting naman ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na pinag-aaralan nila ang implementasyon ng blended learning bilang permanenteng paraan ng pagtuturo.

Samantala, nasa 23.3 milyong mag-aaral na ang nakapagpa-enrol na para sa School Year 2022-2023 hanggang ngayong araw.

Facebook Comments