MGA PAARALAN NA GAGAMITIN BILANG VOTING CENTERS SA DAGUPAN CITY, NAKAHANDA NA

Tiniyak ng Commision on Election Dagupan City na handa na ang mga gagamiting paaralan para sa darating na Halalan ngayong taon.

Nasa tatlumpung paaralan sa lungsod ang gagamitin bilang Voting Centers dito.

Ayon pa sa komisyon, mayroon itong nakahanda ng contingency plan sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

Bagamat ang main transmission ng mga boto ay papasok sa pamamagitan ng USB Modem, 21 na voting centers ang bibigyan ng satellite internet system upang maiwasan ang aberya.

Ilang araw bago ang eleksyon, patuloy rin ang isinasagawang paghahanda ng mga magsisilbing electoral board para sa maayos na pagsasakatuparan ng Halalan 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments