MGA PAARALAN NA GINAMIT BILANG VOTING CENTERS SA LUNGSOD, SUMAILALIM SA DISINFECTION PARA SA PAGBABALIK NG PROGRESSIVE FACE-TO-FACE CLASSES

Handa na ang 29 paaralan sa Dagupan City sa isasagawang progressive face-to face classe matapos itong gamitin bilang voting centers sa nakalipas na National and Local Election 2022.
Idinaan ang mga ito sa disinfection na pinangunahan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno. Maliban sa disinfection na isinagawa ng ibang ahensya, pinunasang maigi ng mga guro ang mag upuan ng estudyante.
Layunin ng disinfection na walang banta ng COVID-19 sa mga silid aralang ginamit bilang pagprotekta sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Matatandaang dumagsa ang mga botante sa 194 na polling precincts sa lungsod upang bumoto.
Samantala, mahigpit pa ring ipapatupad ang MPHS sa mga paaralan kahit pa walang aktibong kaso ng nakakahawang sakit ang lungsod. | ifmnews
Facebook Comments