Aabot na lamang sa 30 mula sa 59 na pampublikong paaralan sa bansa ang kasama sa pilot face-to-face classes sa November 15.
Ayon kay Department of Education Assistant Secretary Malcolm Garma, nag-back out ang 29 na pampublikong paaralan dahil sa pangamba ng ilang Local Government Units (LGU) at mga magulang.
Aniya, ilang paaralan din ang nag-back out dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Kabilang sa mga makakalahok sa pilot face-to-face classes ay ang 3 paaralan sa Bicol Region, 3 sa Western Visayas, 8 sa Central Luzon, 8 sa Zamboanga Peninsula, 6 sa Northern Mindanao, at 2 sa Soccsksargen.
Sa kabila nito, sinabi ni Garma na mayroong 46 na paaralan at LGU ang humihiling na masama sila sa pilot implementation ng face-to-face classes sa susunod na buwan.