Mga paaralan na lumahok sa face-to-face classes, mahigit 9,000 na

Nadagdagan pa ang mga paaralan na lumahok sa face-to-face classes sa buong bansa.

Ayon kay Education Asec. Malcolm Garma, 9,353 na mga paaralan ang bumalik na sa in-person classes hanggang nitong March 17.

Sa nasabing bilang, 8,972 ang pampublikong paaralan at 381 ang pribadong paaralan.


Mayroon naman aniyang 14,450 na mga paaralan ang naghihintay pa na maaprubahan para magsagawa na rin ng in-person classes.

Kasabay nito, nilinaw ni Education Asec. Alma Torio na tanging mga paaralan lamang na nasa Alert Level 1 at 2 ang kwalipikado para sa posibleng limited face-to-face graduation.

Habang virtual ceremony lang ang maaaring isagawa ng mga paaralan na nasa Alert Level 3, 4 at 5.

Facebook Comments