Tutukan ng DOH-CHD1 at DEPED Region 1 ang mga paaralang mababa ang vaccination rate sa mga estudyante.
Bagamat hindi requirement ang pagbabakuna para sa face-to-face classes hinihikayat ng awtoridad ang mga estudyante na magpabakuna para sa kanilang proteksyon.
Sa isang panayam sinabi ni Editha Giron, DepEd Program Supervisor for Curriculum and Management Division, nagkaroon ng joint memorandum ang DepEd at DOH upang mapaigting ang pagbabakuna sa mga estudyante at guro sa pagtarget ng mga lugar na mababa ang vaccination rates.
Sa datos ng DepEd, mayroon ng 319, 532 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School ang fully vaccinated at 17, 379 ang nabigyan ng booster dose.
Tuloy naman ang pakikipag ugnayan ng DOH Region 1 sa mga paaralan para sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa paaralan upang mapataas ang bilang ng mga mababakunahan sa edad 5-11. | ifmnews
Facebook Comments