Mga paaralan na magsisilbing COVID-19 vaccination sites, madadagdagan pa – DOH

Tiniyak ng pamahalaan na madaragdagan pa ang mga paaralan na magsisilbi bilang COVID-19 vaccination sites.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na sa ngayon ay nasa halos 2,000 na pasilidad na ang ginagawang vaccination centers at marami pa rin ang mga nag-a-apply.

Malaking tulong aniya ito lalo na’t inaasahang darating na ang mga biniling bakuna ng gobyerno pagsapit ng buwan ng Mayo at Hunyo.


Samantala, nasa 6,148 na classroom naman ang itinurn over ng Department of Education (DepEd) para gawing quarantine facilities sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, ang mga ito ay nagmula sa 1,212 na paaralan kung saan karamihan ay nasa Eastern Visayas at Bicol Region.

Facebook Comments