Mga paaralan na nasa lugar na niyanig ng lindol, pinasusuri din ng ilang kongresista

Pinasisilip ni 1-ANG EDUKASYON Partylist Rep. Bong Belaro ang lahat ng mga paaralan na niyanig ng sunud-sunod na lindol ngayong Linggo.

 

Hiniling ni Belaro sa Commission on Higher Education (CHED) at sa Department of Education (DepEd) na magpadala ng kanilang mga field personnel para magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng mga eskwelahan mula kindergarten hanggang university levels na dinaanan ng malakas na lindol.

 

Matatandaang ang Emilio Aguinaldo College (EAC) sa lungsod ng Maynila ay tumabingi at dumikit na sa katabing gusali matapos ang lindol.


 

Iginiit ng mambabatas na dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga guro at mga magaaral partikular ang gusali ng mga paaralan bago at matapos ang nangyaring trahedya.

 

Kasama din sa mga pinaiinspeksyon ng kongresista ang mga pribadong paaralan.

 

Pinasasaprayoridad nito ang school building inspections sa mga lubhang napinsala na lugar dahil sa lindol tulad ng Porac, Olongapo, Manila, Tacloban, Catbalogan, Legazpi, Naga, at mga kalapit nitong lalawigan.

 

Maliban sa mga eskwelahan, pinaiinspeksyon din ng mambabatas ang mga kalapit na gusali ng mga paaralan.

Facebook Comments