Mga paaralan sa Metro Manila, hindi pa mapapabilang sa mga magsasagawa ng limited face-to-face classes

Posibleng sa ikalawang batch pa ng limited face-to-face classes maisasama ang mga paaralan dito sa National Capital Region (NCR).

Pahayag ito ni Education Secretary Leonor Briones sa gitna ng mga paghahandang ginagawa ng pamahalaan para sa pilot implementation ng limited face-to–face classes sa COVID Low Risk areas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng kalihim na nasa Department of Health (DOH) pa rin ang pinal na pasya hinggil sa bagay na ito.


Ang DOH kasi aniya ang nangunguna sa inspeksyon ng pamahalaan sa kahandaan ng mga paaralan.

Bukod dito, kabilang din sa konsiderasyon ay ang pagpayag ng mga lokal na pamahalaan, mga magulang ng mga mag-aaral at may sapat na pasilidad ang mga paaralang lalahok sa limited face-to-face classes.

Matatandaan na una nang nakumpleto ng Department of Education (DepEd) ang 100 public schools na mapapabilang sa pilot run sa ika-15 ng Nobyembre.

Facebook Comments